Linggo, Setyembre 27, 2015

"SIMULAN ANG EBOLUSYON SA WIKANG NAAAYON"

SEPTEMBER 26, 2015


Bilang mga tao, ang bawat isa ay may kakayahang makapag-isip at makapagsalita gamit ang wikang pambansa. Sa kasalukuyang panahon, nagiging moderno na ang ating henerasyon at ang neolohismo ay patuloy na lumalaganap. Ang neolohismo ay may kahulugan na “bago” na may kahulugang “pananalita, pagbigkas”. Ito ang tawag sa isang bagong termino, salita o parirala na maaaring nasa proseso ng pagpasok sa pangkaraniwang gamit, subalit hindi pa ganap na tanggap sa pang araw-araw na wika. Ito ay ang paglikha ng mga bagong salita o bagong kahulugan. Paano nga ba nagsisimula ang neolohismo?
Dito mapapatunayan na dinamiko ang ating wika. Malaki ang kakayahan nitong umangkop at makabuo ng mga bagong salita. Kung hindi pumasok sa kultura ng wika ang neolohismo, maaaring natural itong mawala at maglaho na lamang. Kung kaya’t ang pagtanggap ng madla o publiko ang pinakamahalagang dahilan upang manatili ito bilang bahagi ng wika.
Ninanais ng adbokasiyang ito na bigyang pansin ang neolohismo bilang paksa upang mabigyang pansin ang paglaganap nito. Bigyang kahalagahan ang neolohismo sa kasalukuyag panahon. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa iba’t ibang paraan kung paano lumalaganap ang neolohismo sa modernong panahon.

 _________________________________________________________________________





SEPTEMBER 29, 2015

PAANO NGA BA LUMALAGANAP ANG NEOLOHISMO?

1. Una, ang isang ideya ng tao sa isang salita na nagpapahayag ng kanyang sariling opinyon ay lumalaganap. Dahil dito nagaganap ang pagkakaroon at paglikha ng mga bagong salita. Nagkakaroon tayo ng iba’t-ibang ideya sa paglikha ng mga bagong salita at maaaring ito ay galing sa kombinasyon ng mga salita.
2. Pangalawa, patuloy ang paggamit ng mga tao sa iba’t-ibang salitang nalikha sa pamamagitan ng mga ideya. Sa patuloy nitong paglaganap ay nakapagdudulot ito ng pagbabago at pagkakaroon ng pagkakaiba.
3. Pangatlo, ang pagrehistro ng iisang salita lamang ngunit maraming kahulugan ay nagaganap sapagkat ang wika ay dinamiko.
4. Pang – apat, malaki ang posibilidad ng hindi pagkakaunawaan ng mga tao sapagkat may iba’t-iba tayong pananaw sa isang bagay kung kaya’t magdudulot ito ng pagkakaiba o hindi pagkakapareho. Hindi lahat ay sang-ayon sa pagbabago ng wika kung kaya’t magdudulot at magdudulot ito ng pag-iral ng iba’t-iba at panibagong mga salita.

 _________________________________________________________________________


SEPTEMBER 29, 2015

Inaasahang makakatulong ang adbokasiyang ito upang makapagbigay ito ng mga ideya tungkol sa paglaganap ng neolohismo at mabibigyang pansin ang tamang paggamit ng mga salitang nawawasto sa mga bagong salita. Magkakaroon ng kaalaman ang bawat isa sa epekto ng mga impormal na salita sa kilos o gawi, pananalita, pag-iisip ng mga tao.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento